Public figure Henry Ong of Leyte's Second District wants sustainable food for its growing population especially the poor. (Photo by VBP)

On to New Governance – Let us help reduce poverty with food security

Jaro, Leyte – There is a lot of discussion over why many people in our district cannot access sufficient nourishment. In places that we visit population growth is easily blamed as the culprit. We may agree that as population grows sustainable food becomes a problem. When this happens, other human needs like education, health, peace and even the exercise of basic rights recede.

We have heard these before. However, we pose the question today because much of our population languish under the effects of continuous poverty. It seems reasonable that if one’s income affords him only food, he will be compelled to choose it from other needs like education or health, limiting his pursuit of happiness.

In the same way, if a family unit have enough for sustenance it will have something to spare for health and education. And so, children raised healthy are likely to succeed in school than a child who reports to it with an empty stomach.

For this reason, one of our main advocacy is: how do we specifically help provide sustainable food for our growing population? Who needs to help us get there?

Arguably, even the vaunted construction of concrete roads in our own district has not ushered the expected redemption of its population from crushing poverty. Many of these constructions have collapsed, left untended, or are kept under continuous repair over time with only the people who cause these to be built gaining financial advantage together with the political and business elite.

A solution should be found elsewhere and most urgently for the ordinary people.

In our conversations with subsistence farmers in the district, there is one particular request that they heave: ‘An pagkaon han mga tawo natikang dida han mga mga mag-uruma. Kay ano nga diri lugod ini hira tagan hin tinuod nga suporta para kumusog an ira kapabilidad ha produksyon?’

The question is valid. The answer is there staring right at us.

Hindi po kumplikado ang nais nating ituring na solusyon para sa problema ng pagpapaunlad ng ating agrikultura. Ang kailangan po ay suriin kung ilan sa bilyon-bilyong pondo para sa napakaraming construction projects ng gobyerno ang pwede nating italaga papunta sa mga programang magbibigay kaalaman, pahiram na puhunan, technical support at masusing monitoring para sa mga gawaing ito.

Baka makatulong pa po tayo sa pagsugpo sa korapsyon na sanhi ng mga proyektong ‘construction’ na lumalabas ay hindi naman po pala kailangan ng ating publiko.

Mahirap pong sabihin ngayon ng mga nandiyan na ‘magsisimula na akong tumulong para sa mga walang trabaho upang sila ay magkaroon ng hanap-buhay’. Sa napakahabang taon ng paninilbihan ng mga opisyales na ito sa distrito dapat po mayroon na silang nagawa bukod sa ibinibigay na suporta ng Provincial Government at mga departamento ng gobyerno tungkol dito.

Ganoon pa man, kasama ang ating mga mamamayan, ang gagawin po natin ay mag focus sa mga totoong pangangailangan ng mga tao tungo sa hanap-buhay. Hindi lang po para sa ating mga magsasaka, isasama na po natin ang mga nasa ‘small and medium enterprises’ na dapat ay hindi pinapabayaan bagkus ay sinususugan ng pondong kailangan pero hindi naman mabigat bayaran para sa indibidwal na mamamayan.

Upang magpatuloy ang pag-unlad ng ating mga pamayanan ay kailangan din po nating magtatag ng linkages sa gitna ng produsyon at pamilihan. Ito po ay hindi birong trabaho pero kakayanin po nating lahat ito kung magtutulungan tayo at hindi ilalagay sa unahan ang ating pansariling kapakanan. Iwasan po natin ang mga misteryo sa pag-gamit ng mga pondo sa gobyerno.

Masasabi nating maunlad na ang ating mga pamayanan hindi dahil mayroon nang iilan na namumuhay ng masagana. Habang mayroon tayong mga kapatid na naghihirap at hindi makakain ng maayos, ang distrito natin ay matatawag pa ring timawa.

Damo nga salamat! Kitakits po tayong muli sa susunod!

Henry Ong